Archive for December, 2004

Happy New Year!

Happy New Year!


Happy new year sa lahat! Sana poy maging maligaya ang inyong darating na taon. Sana po ay maging matahimik na rin ang ating bansa.

Ipanalangin din po natin na ang taong 2005 ay maging mapayapa at walang aksidente o sakunang mangyayari sa atin.

Ipagpapasalamat din natin ang lahat ng mga biyaya na natanggap natin nitong taong 2004. Ipagpasalamt din natin ang ating mga kaibigan at mga kapamilya na nandyan pa rin sa tabi natin sa mga oras na sila ay kinakailangan natin.

Guimaras

Magandang umaga sa lahat!

Dapat ngayong umaga may tour ako kasama ko ang aking officemate. Pero dahil sa security reasons at dahil naka-Red Alert din ang Philippine Military, na cancel ang aming tour. Kung saan ang aming lakad, malalaman nyo yan sa auaunod, malapit na!

Kahapon kinuwento ko sa inyo ang tungkol sa Dinagyang Festival, ngayon naman ikukuwento ko sa inyo ang tungkol sa isla ng Guimaras.

Marahil magtatanong kayo kung saan ang Guimaras na ito. Ang isla ng Guimaras ay isang lalawigan sa Western Visayas. Ito ay isang maliit na mga isla na makikita sa gitna ng isla ng Panay at ng Negros.

Kilala ang isla ng Guimaras dahil sa kanilang mga mangga. Ang manggang Guimaras ang isa sa mga pinakamatamis ng mangga sa boung mundo. At ito rin ang pinaka matamis na mangga sa boung Pilipinas. Sa katotohan, bawal sa Guimaras ang mag papapasok ng mangga na gal;ing sa labas. Ito ay para mapangalagaan nila ang kanilang mga mango orchard laban sa mga peste at sakit. Ini-Export din ang mga mangga galling Guimaras sa bansang Japan, Australia, USA at iba pang lugar.

Kilala din ang Guimaras dahil sa kanilang white sand beaches. Dahil kakaunti pa lang ang mga taong may alam tungkol sa Guimaras, hindi pa ito gaanong naabuso ng tao at ng mga turista. Napakalinis ng tubig dagat dito. Masarap din mag snorkel at mag island hopping sa Guimaras. Madaming magagandang mga isla sa Guimaras na pwede mong puntahan pag ikaw ay nag island hopping. Pwede kang pumunta sa Turtle Island, isang islang kilala bilang breeding ground ng mga pawikan. Pwede ka ring pumunta sa Pulang Pasayan, isang isla kung sang ang mga hipon ditto ay kulay pula.

Ang Guimaras ay isang islang napakaganda. Ito ay naghihintay lamang na ma diskubre at makilala din bilang isang tourist destination.


Trappist Monastery in Jordan, Guimaras

Dinagyang Festival

Hello!

Magandang umaga sa lahat! Akoy antok na antok na talaga! Nag overtime ako hanggang 9AM ngayon.. Dapat kaninang alas-6 ay labas ko na. Pero nag overtime ako dahil kailangan kong mag ipon ng todo para sa aking nalalapit na bakasyon sa susunod na buwan. Grabe excited na talaga ako na mag bakasyon! Uuwi ako ng Bacolod, tapos overnight ako sa isla ng Guimaras, kung saan ako ay mag I-island hopping, snorkel at swimming, tapos, punta din ako sa Iloilo City para sa Dinagyang Festival.

Ang Dinagyang Festival ay isang pagdiriwang na dinadaos sa lungsod ng Iloilo tuwing ika-apat na Linggo ng Enero. Ito ay isang piyesta bilang pasasalamat sa Sto. Nino.

Sa piyestang ito, naka pintura ng itim ang mga mananayaw, bilang pag gaya sa kulay ng mga ninuno nilang mga Ita. Sila ay sumasayaw sa paikot sa boung lungsod ng Iloilo mula umaga hanggang tanghali.

Walang katapusang kasayahan, at sayawan ang iyong mararanasan pag ikaw ay nasa Iloilo sa panahon ng Dinagyang Festival.

Bukas ikukuwento ko naman sa inyo kung ano ang Guimaras para sa akin.


Pic taken early this morning

Kung kayo ay may mga katanungan sa akin, i email nyo lang ako sa

Cebu Pacific

Cebu Pacific

Hello sa lahat!

Noong isang araw, hindi ko inaasahang mapasok ang Customer Support System ng Cebu Pacific. Grabe, sa laki ng company nila, hindi secure ang kanilang sistema. Check nyo na lng ang mga pictures sa ilalim. At wag na rin kayong mag tanggkang pasukin ito dahil ni report ko na ito sa Cebu Pacific. Click nyo ang litrato para lalo itong lumaki.



Ito ang page kung saan akoy, nakaka pag type ng mesahe na aking ipapadala



Screenshot ng aking Inbox pagkatpos kong i padala ang e-mail


mga detalye ng mensaheng pinadala ko

Related Posts with Thumbnails

Egypt Holidays

Older Entries