3 Days before Christmas…

Posted by on December 22, 2004

3 Days before Christmas…

Ang lahat ay abala na para sa darating na pasko. Ngunti ako, andito pa rin, nag tratrabaho.

Kailangan kong mag trabaho ng todo. Kung maaari, overtime araw araw. Baket? Dahil ako’y aalis ngayong darating na Enero. Kung hindi man ako matutuloy sa aking plano na pumunta ng Coron, Palawan, ako’y pupunta ng Bacolod, tapos mag island hopping at snorkel sa isla ng Guimaras, tapos nag Dinagyang Festival sa Iloilo City.

Kung alin man sa dalawang plano ang matutupad, sigurado ako na akoy magiging masaya.

Naka lineup na rin sa darating ng summer ang aking Ilocandia Tour. Malamang ito’y sa April 8-11 o sa April 21-25. Wala pang konkretong plano.

Marahil kayo’y magtatanong kung bakit palagi akong naglalakbay. Simple lng ang kasagutan ko sa tanong na yan. Dahil gusto kong ikutin ang boung Pilipinas. At ayokong lumabas ng bansa na hindi ko pa naikot ang boung bansa. Sabi nga ng Department of Tourism, “Wag maging dayuhan sa sariling bayan.”

Related Posts with Thumbnails

AirPhil Express is the Official Carrier of BYAHILO. For the latest and cheapest airline deals, LIKE their Facebook account, or FOLLOW their Twitter account!


Subscribe to my Feed! Get Byahilo Delivered to your Mailbox FREE!
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner



Leave a Reply

Please type the text you see on the box below:

kalibo