Archive for December 24th, 2004

Mga pangakong napako

Mga pangakong napako

Ito na yata ang pinakamalungkot kong pasko. Sa unang pagkakataon, hindi ko kasama ang pinakamamahal kong kapatid sa araw na ito. Andito pa rin ako sa trabaho.

Lahat na lang ginawa ko para lang magkaroon ako ng restday sa araw na ito, pero ang lahat ay napako. Pinangakuan kami ng restday ng Dec24 para sa grupong may pinakamaraming nasagot. Pero ang mga pangako ay napako. Hindi mo mahagilap sa opisina ngayon ang mga taong may pakana ng pakulong ito.

Malamang sila ay nagpapakasaya na kasama ang mga pamilya nila, habang ako nandito sa opisina, nagpapakahirap mag trabaho.

Sana naman sa susunod na taon mag iba na ang ihip ng hangin. Masamang masama talaga ang loob ko ngayon.

Theme Songs

Theme Songs

Hayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy………..

Ang buhay call center nga naman… walang pahinga, walang tulugan.

Araw-araw na lng pagod, puyat, at laging bangag. Tanging kape lamang ang makakpag pagising sa akin pag madaling araw na.

Ngayong araw ng pasko, ibibigay ko sa inyo ang mga kantang pwede nating sabihin…theme song ng bawat call center agent. Kung bakit? Hanapin nyo na lang ang lyrics nito. Enjoy!

1. Barely Breathing ni Duncan sheik
2. Are happy now ni Michelle Branch
3. In the End ng Linkin’ park
4. Wishful thinking ni Duncan Sheik

Merry Chirstmas everyone!!

Related Posts with Thumbnails