Dinagyang Festival
Posted by on December 28, 2004
Hello!
Magandang umaga sa lahat! Akoy antok na antok na talaga! Nag overtime ako hanggang 9AM ngayon.. Dapat kaninang alas-6 ay labas ko na. Pero nag overtime ako dahil kailangan kong mag ipon ng todo para sa aking nalalapit na bakasyon sa susunod na buwan. Grabe excited na talaga ako na mag bakasyon! Uuwi ako ng Bacolod, tapos overnight ako sa isla ng Guimaras, kung saan ako ay mag I-island hopping, snorkel at swimming, tapos, punta din ako sa Iloilo City para sa Dinagyang Festival.
Ang Dinagyang Festival ay isang pagdiriwang na dinadaos sa lungsod ng Iloilo tuwing ika-apat na Linggo ng Enero. Ito ay isang piyesta bilang pasasalamat sa Sto. Nino.
Sa piyestang ito, naka pintura ng itim ang mga mananayaw, bilang pag gaya sa kulay ng mga ninuno nilang mga Ita. Sila ay sumasayaw sa paikot sa boung lungsod ng Iloilo mula umaga hanggang tanghali.
Walang katapusang kasayahan, at sayawan ang iyong mararanasan pag ikaw ay nasa Iloilo sa panahon ng Dinagyang Festival.
Bukas ikukuwento ko naman sa inyo kung ano ang Guimaras para sa akin.

Pic taken early this morning
Kung kayo ay may mga katanungan sa akin, i email nyo lang ako sa 



