Guimaras

Posted by on December 29, 2004

Magandang umaga sa lahat!

Dapat ngayong umaga may tour ako kasama ko ang aking officemate. Pero dahil sa security reasons at dahil naka-Red Alert din ang Philippine Military, na cancel ang aming tour. Kung saan ang aming lakad, malalaman nyo yan sa auaunod, malapit na!

Kahapon kinuwento ko sa inyo ang tungkol sa Dinagyang Festival, ngayon naman ikukuwento ko sa inyo ang tungkol sa isla ng Guimaras.

Marahil magtatanong kayo kung saan ang Guimaras na ito. Ang isla ng Guimaras ay isang lalawigan sa Western Visayas. Ito ay isang maliit na mga isla na makikita sa gitna ng isla ng Panay at ng Negros.

Kilala ang isla ng Guimaras dahil sa kanilang mga mangga. Ang manggang Guimaras ang isa sa mga pinakamatamis ng mangga sa boung mundo. At ito rin ang pinaka matamis na mangga sa boung Pilipinas. Sa katotohan, bawal sa Guimaras ang mag papapasok ng mangga na gal;ing sa labas. Ito ay para mapangalagaan nila ang kanilang mga mango orchard laban sa mga peste at sakit. Ini-Export din ang mga mangga galling Guimaras sa bansang Japan, Australia, USA at iba pang lugar.

Kilala din ang Guimaras dahil sa kanilang white sand beaches. Dahil kakaunti pa lang ang mga taong may alam tungkol sa Guimaras, hindi pa ito gaanong naabuso ng tao at ng mga turista. Napakalinis ng tubig dagat dito. Masarap din mag snorkel at mag island hopping sa Guimaras. Madaming magagandang mga isla sa Guimaras na pwede mong puntahan pag ikaw ay nag island hopping. Pwede kang pumunta sa Turtle Island, isang islang kilala bilang breeding ground ng mga pawikan. Pwede ka ring pumunta sa Pulang Pasayan, isang isla kung sang ang mga hipon ditto ay kulay pula.

Ang Guimaras ay isang islang napakaganda. Ito ay naghihintay lamang na ma diskubre at makilala din bilang isang tourist destination.


Trappist Monastery in Jordan, Guimaras

Related Posts with Thumbnails

AirPhil Express is the Official Carrier of BYAHILO. For the latest and cheapest airline deals, LIKE their Facebook account, or FOLLOW their Twitter account!


Subscribe to my Feed! Get Byahilo Delivered to your Mailbox FREE!
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner



Leave a Reply

Please type the text you see on the box below:

tacloban