Archive for December, 2004
The After effect of Christmas
Gusto mong malaman kung ano ang after after effect ng Pasko sa akin? hahahahahaNAG HALFDAY AKO TODAY!
Gosh, sakit ulo ko, kulang sa tluog, tapos byahe pa, ang trapik. wala akong magawa kundi umabsent. pero di ako makatulog ng diretso. Heto ako’t pumasok halfday.
Kahit papano naging masaya din naman ang Pasko ko. Pumunta ako sa Talisay, Batangas. Nag overnight ako dun kasama ko ang aking kapatid, kumain kami ng napakasarap na inihaw na tilapia at bangus! Buhay pa ang tilapia nung binili namin sa isang palengke, na katapat lang ng Taal Volcano.
Photo taken last Dec 23
Photo taken last Dec 23
Mga pangakong napako
Ito na yata ang pinakamalungkot kong pasko. Sa unang pagkakataon, hindi ko kasama ang pinakamamahal kong kapatid sa araw na ito. Andito pa rin ako sa trabaho.
Lahat na lang ginawa ko para lang magkaroon ako ng restday sa araw na ito, pero ang lahat ay napako. Pinangakuan kami ng restday ng Dec24 para sa grupong may pinakamaraming nasagot. Pero ang mga pangako ay napako. Hindi mo mahagilap sa opisina ngayon ang mga taong may pakana ng pakulong ito.
Malamang sila ay nagpapakasaya na kasama ang mga pamilya nila, habang ako nandito sa opisina, nagpapakahirap mag trabaho.
Sana naman sa susunod na taon mag iba na ang ihip ng hangin. Masamang masama talaga ang loob ko ngayon.
Theme Songs
Hayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy………..
Ang buhay call center nga naman… walang pahinga, walang tulugan.
Araw-araw na lng pagod, puyat, at laging bangag. Tanging kape lamang ang makakpag pagising sa akin pag madaling araw na.
Ngayong araw ng pasko, ibibigay ko sa inyo ang mga kantang pwede nating sabihin…theme song ng bawat call center agent. Kung bakit? Hanapin nyo na lang ang lyrics nito. Enjoy!
1. Barely Breathing ni Duncan sheik
2. Are happy now ni Michelle Branch
3. In the End ng Linkin’ park
4. Wishful thinking ni Duncan Sheik
Merry Chirstmas everyone!!
Dinagyang 2005
Isang gabi na lang at pasko na! Yahooooooooooooooooooooo!!! at ako ay may pasok pa rin. Masaya din ako ngayon dahil naka kuha na ako ng airline ticket pauwi ng Bacolod sa January
Pupunta ako sa Dinagyang Festival sa Iloilo City. Pagkatapos nun, didiretso din ako sa isla ng Guimaras para mag snorkel, island hopping at mag swimming! grabe excited na ako!

Photo taken at the office

Egypt Holidays
Older Entries
Newer Entries