3 Days before Christmas…
Ang lahat ay abala na para sa darating na pasko. Ngunti ako, andito pa rin, nag tratrabaho.
Kailangan kong mag trabaho ng todo. Kung maaari, overtime araw araw. Baket? Dahil ako’y aalis ngayong darating na Enero. Kung hindi man ako matutuloy sa aking plano na pumunta ng Coron, Palawan, ako’y pupunta ng Bacolod, tapos mag island hopping at snorkel sa isla ng Guimaras, tapos nag Dinagyang Festival sa Iloilo City.
Kung alin man sa dalawang plano ang matutupad, sigurado ako na akoy magiging masaya.
Naka lineup na rin sa darating ng summer ang aking Ilocandia Tour. Malamang ito’y sa April 8-11 o sa April 21-25. Wala pang konkretong plano.
Marahil kayo’y magtatanong kung bakit palagi akong naglalakbay. Simple lng ang kasagutan ko sa tanong na yan. Dahil gusto kong ikutin ang boung Pilipinas. At ayokong lumabas ng bansa na hindi ko pa naikot ang boung bansa. Sabi nga ng Department of Tourism, “Wag maging dayuhan sa sariling bayan.”
Hay! Sa wakas! nag karoon din ako ng panahaon para ma scan at ma upload ang mga pictures ko sa Corregidor. Sa wakas, andito na rin sila sa Blogspot ko.

Eternal Flame Sculpture


Japanese Memorial

Filipino Heroes Memorial
Onboard the Tranvia

Christmas Eve
Tang ina talaga! pakshet! at kung anu-ano pang kabwisitan ang maalala ko…Tang ina talaga. May pasok ako 24 at 31 ng gabi. Noche Buena ito sa opisina. Putcha. ito ang mahirap sa trabahong ito dahil walang holiday. araw gabi ang trabaho. pa ikot ikot ang schedule. Malas mo kung mapunta sa yo ang mga pang gabi na schedule pag holiday, katulad na lng ng pasko at bagong taon. Malas ko.. Napakamalas ko talaga.
Sana lang mabago pa ito.
Christmas Party 2004
Nag Christmas party ang company namin kagabi. Grabe! ang saya! ang daming tao. Bumaha ang pagkain at inumin sa venue. Ang theme ang party ngayong taon ay Carnival. Pabonggahan ng costumes at funky hats ang mga tao.
Nag opening number sa program ang RnB artist na si Luke Mijares. Halatang nag enjoy din naman ang mga tao sa mga kanta nya. Ang host sa program ay si Drew Arellano ng comedy news program na Wazzup Wazzup.
Nagkaroon din ng Hiphop Dance contest, meron ding impromptu standup comedy, at syempre hindi mawawala sa carnival ang magic. Dumating si Eric Mana para magpakitang gilas sa kanyang pagiging isang sikat na magician.

Me and my friend Chevy

Me and Edsil

Luke Mijares

Drew Arellano

Egypt Holidays