Makati Bombing
Posted on February 16, 2005
Makati Bombing
Sino ba naman ang mag aakalang isang bomba ang sasabog kahapon sa ilalin ng MRT station sa Ayala Makati?
Isang bus ang pinasabog ng Abu Sayyaf doon mismo sa ilalim ng MRT Ayala Station sa EDSA. Marami ang namatay. Mas madami ang nasugatan.
Nandoon ako sa Glorietta nung mangyari ang pambobomba mga bandang alas-7:30 ng gabi. Nagkita kami ng aking kapatid nung gabing iyon para kumain sana sa labas. Nang biglang may sumabog, ang lahat ng tao sa Glorietta nagsitakbuhan na. Nag panic ang lahat, hanggang sa nagkaroon ng stampede.
Mabuti na lang hindi kami nasaktan ng aking kapatid. Dali-dali kaming naghanap ng pinakamalapit na lagusan palabas ng mall para maka iwas na sa problema.
Napakalaki ng aking pasasalamat sa Panginoon dahil hindi po kmi nasaktan ng aking kapatid. Ito na ang pinakamasamang karanasan ko sa araw ng mga puso.
Sana lang hindi na ito mangyayari pa ulit.
===================================================
Ang aking pakikiramay sa lahat ng mga namatay sa akisdenteng ito….
=============================================
» Filed Under Uncategorized
Related Posts
Makati Murals #1
Makati by Night
Makati Murals #2
Makati Murals
Makati Murals 4th in a series
Makati Murals: 3rd in a series
Makati Skyscrapers
Makati Murals: Pinoy Jeepney
Comments
3 Responses to ”Makati Bombing”
Leave a Reply



“Ang aking pakikiramay sa lahat ng mga namatay sa akisdenteng ito….”
oo.. aksidente..
glorietta bombing ulit! :
Nangyari na naman dis tym Glorietta 2 nmn!! kakasabog lng! check: GMA news