Custom Search

Ang krus ni Juan dela Cruz


Posted on May 10, 2005

Ang krus ni Juan dela Cruz

Madadagdagan na naman ng isa pang mabigat ng krus ang pasanin ni Juan dela Cruz.

Simula sa Mayo 26, 2005, mag tataas na naman ng pamasahe ang mga jeepney at bus. Dalawang Piso sa unang apat na kilometro na naman ang idadagdag sa mga pamasahe. Kaya, ang pinakamabang mapasahe simula sa susunod na linggo ay P7.50 na sa mga pampasaherong jeep at P8.00 naman sa mga non-airconditioned na bus.

Sa lahat ng mga pasakit na ito, isa lang ang ugat ng problemang ito. Ang walang katapusang pagtaas ng presyo ng gasolina.

At sa pagtaas ng pamasahe sa jeep, huwag na tayong magulat kung isang araw, tataas na rin ang lahat ng bilihin. Karaniwang tumataas din ang mga bilihin katulad ng gulay, manok, baboy, at mga sangkap sa pagluto pagkatapos na tumaas ang presyo ng langis.

Hindi na talaga kaya ng mga Pilipino ang Domino Effect na naidudulot ng pagtaas ng presyo ng langis. Talaga ngang isang napakabigat na krus ito para sa ating lahat.

Malayu-layo pa ang ating Kalbaryo, at lalong mas malayo pa ang pagkakaroon ng pagbabago para sa lahat.


Subscribe to my Feed! Get Byahilo Delivered to your Mailbox!
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

» Filed Under Uncategorized

Related Posts


18th Philippine Travel Mart
Prudential Building
BYAHILO’s Visita Iglesia for the Holy Week Season 2008
Youth Power 2005
Chinatown Tour 2
Final call before the rain comes
Where to watch the Pacquiao vs Dela Hoya Boxing Match? Diamond Hotel, where else!
Aliwan Fiesta Results

Comments

Leave a Reply




To minimize spam comments, please type the text that appears below (Case Sensitive)

tacloban

  • Languages

  • Visitors




  • FINALIST, Travel Category

    FINALIST, 2007 Philippine Blog Awards

    seairadventureclub

    columbia160badge