Nasa Intramuros ako kanina. Umikot, pumunta ng Manila Cathedral, San Agustin Church, at sa mga lumang pader nito. Hindi maikakaila na ang Intramuros ang isa sa mga tanyag na lugar na matatagpuan sa lungsod ng Maynila.
Ang mga pader ng Intramuros ang naging proteksyon ng lungsod noong kapanahunan ng Kastila. Ginamit ito noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Sana ang mga pader ng Fort Santiago sa Intramuros ay laging magpapaalala sa atin na minsan ang ating mga bayani ay nag buwis ng kanilan mga pawis, dugo at buhay para lamang sa pag kamit natin ng kapayapaan
Abuse @ Smart
Bakit ang Smart, na sinasabing lider sa mobile telecommunications industry, ay walang abuse department?
Ilang beses na rin ako nakakatanggap ng mga text messages na di kanais nais galing sa mga hindi nag papakilalang mga texters. Sa tapang ng apog ko, tinatawagan ko pa ang mga nakikipag text sa akin. Pero wala akong napapala.
Sa sobrang inis ko, ini-report ko na sila sa Smart. Galit na galit akong binigay ang kanilang cellphone number at sinabi na rin sa Customer Support nila na ang mga natatanggap kong mga text.
Sa laking gulat ko, sinabihan lang ako ng Customer Support nila na i-report ko daw ang bagay na ito sa NTC. Ha????? Wala kayong abuse department? Kung kani-kanino pa nila pinapasa ang mga isyung ito. Eh dapat nga sa kanila pa lang dapat ma reresolba na ito.
Kung sa NTC pa nga ito, mga ilang araw, linggo, o buwan pa ba ito ma simulang ma aksyunan. Alam mo naman ang gobyerno. Tambak din sila ng trabaho.
Panahon na ‘to para mag lagay na ng abuse department ang Smart. Kung totoong may malasakit kayo sa inyong mga customer, sana wag nyo kaming pabayaan na lng sa mga masasamang mga daliring nag ti-text.
Tandaan nyo ito, napakadali lng na mawalan ka ng isang customer. Pero mahirap mag maintain ng isang loyal na customer.