Abuse@Smart
Posted by on May 13, 2005
Abuse @ Smart
Bakit ang Smart, na sinasabing lider sa mobile telecommunications industry, ay walang abuse department?
Ilang beses na rin ako nakakatanggap ng mga text messages na di kanais nais galing sa mga hindi nag papakilalang mga texters. Sa tapang ng apog ko, tinatawagan ko pa ang mga nakikipag text sa akin. Pero wala akong napapala.
Sa sobrang inis ko, ini-report ko na sila sa Smart. Galit na galit akong binigay ang kanilang cellphone number at sinabi na rin sa Customer Support nila na ang mga natatanggap kong mga text.
Sa laking gulat ko, sinabihan lang ako ng Customer Support nila na i-report ko daw ang bagay na ito sa NTC. Ha????? Wala kayong abuse department? Kung kani-kanino pa nila pinapasa ang mga isyung ito. Eh dapat nga sa kanila pa lang dapat ma reresolba na ito.
Kung sa NTC pa nga ito, mga ilang araw, linggo, o buwan pa ba ito ma simulang ma aksyunan. Alam mo naman ang gobyerno. Tambak din sila ng trabaho.
Panahon na ‘to para mag lagay na ng abuse department ang Smart. Kung totoong may malasakit kayo sa inyong mga customer, sana wag nyo kaming pabayaan na lng sa mga masasamang mga daliring nag ti-text.
Tandaan nyo ito, napakadali lng na mawalan ka ng isang customer. Pero mahirap mag maintain ng isang loyal na customer.



