Manila’s Best Kept Secrets
Posted on June 9, 2005
Manila’s Best Kept Secrets
Ito ang tinatawag kong Manila’s Best Secrets. Baket? Dahil iilan lang ang nakakalam at pumupunta sa mga lugar na ito. Kadalasan nga, hindi ito inilalagay sa mga itinerary ng Manila tours.
1. Manila Orchidarium - Minsan ko nang inilabas dito ang mga litrato na kuha ko sa Manila Orchidarium and Butterfly Park. Ito ay isang hardin ng mga iba’t ibang uri ng orchids at mga namumulaklak na halaman. At sa pinakadulo ng haqrdin na ito: isang butterfly pavillion kung saan libreng nakakalipad ang mga paru- paro at minsan nga dumadapo pa sila sa braso mo. Ang Manila Orchidarium ay matatagpuan sa malapit sa National Museum. Pwede mo nga lang itong lakarin galing sa monumento ni Rizal.

Isang Paru-paro sa Butterfly Pavillion

Mga maliliit na bulaklak sa Manila Orchidarium
2. Manila Chinese Cemetery - Sa unang pagpasok ko, parang hindi mo aakalain na ito’y isang sementeryo. Mamamangha sa sa mga desenyo ng mga mosoleo dito. Napakaganda. Pambihira ang desenyo. Dito nakahimlay ang mga pinakaprominenteng Tsinong negosyante. Isa sa mga mosoleo dito ay pag mamay-ari ng isang pamilyans sikat sa pagnenegosyo ng siopao.
Postscript: Minarapt kong huwag kumuha ng mga litrato ng mga mosoleo para na rin sa privacy ng mga pamilyang nag mamay-ari ng mga mosoleo dito.

Isang bulaklak na calachuchi satabi ng isang mosoleo

Isang Chinese Tower

Isang Arko sa tapat ng South Gate ng mosoleo
» Filed Under Uncategorized
Related Posts
Manila’s Jones Bridge
Revisiting Manila’s Kilometer Zero in Luneta Rizal Park
eBay Explained!
Manila’s Secret Garden
Manila’s finest Jewels
BYAHILO’s ultimate dining experience at the Kanin Club, Paseo de Santa Rosa
The Bell Church: Baguio’s hidden secret
Ongpin: Manila’s Chinatown
Comments
Leave a Reply


