Custom Search

Bakit Mahal ko ang Iloilo


Posted on February 20, 2006

Bakit Mahal ko ang Iloilo?

Ang kwento ko�y nagsimula  dekada nobenta. Nasa kolehiyo na ako nu�n.

Ako�y anak ng isang konserbatibong mga magulang. Pinag-aral sa pinakamagandang paaralan sa lungsod ng Bacolod. Alam ko, hindi naman nagkulang ang aking mga magulang sa akin. 

Nawalan ng direksiyon ang aking buhay. Nalulong ako sa mga barkada, at hindi na pumasok sa unibersidad. 

Lagi na lang akong napapagalitan ng aking mga magulang. Normal na sa akin ang makarinig ng sermon gabi-gabi. Araw-araw umaalis ng bahay, bitbit ang notebook, hindi naman dumidiretso ng paaralan. Sermon ditto sermon doon. Pakiramdam ko�y lahat na lang ng ginagawa ko, puro mali. Wala na akong makitang kabuhulan para sa buhay ko. Naging pariwara ako. Naging addict din ako sa Mirc o chat sa Internet. Dun ko naman nakilala ang mga kabarkada ko na taga Iloilo.

Lalong nagalit ang lahat sa akin dahil buong araw nasa harap lang ako ng computer nakababad. Hindi nag sasalita, pero pindot lang ng pindot sa keyboard. Sermon na naman ditto, at sermon doon. 

Hanggang sa napuno na ang pasensya ko. 

Isang Byernes ng hapon, niligpit ko ang mga gamit ko. Dala ang isang libong piso, umalis ako ng Bacolod. Sakay ng Royal Ferry, ako�y tumungo sa lungsod ng Iloilo. Doon, buong tapang na tinanggap ako ng mga kaibigan ko doon. Lbre nila akong pinatulog sa kanilang mga bahay at pinakain. Doon ko naramdaman ang pag aruga ng isang pamilya. 

Hanggang sa dumating ang panahong nagising ako sa katotohanan: hinahanap na ako ng aking mga magulang. 

Labag man sa loob ko, umuwi ako ng Bacolod. Nilisan ko ang Iloilo puno ng lungkot at pag-aalala sa kung ano na naman ang mangyayari sa akin sa Bacolod. 

Pagsakay ko ng barko, sinabi ko sa sarili ko: �Hindi ito ang huling pagkakataon na nasa Iloilo ako.� 

Sa tinagal-tagal ng panahon medyo naayos na rin ang problema ko. Nagkaroon na ng liwanag. Nagkaroon na ng direksiyon ang aking buhay.

 

Kahit nawala na ang mga problema ko, hindi ko pa rin kinakalimutan ang mga taong tumulong sa akin. Hindi ko pa rin kinakalimutan ang Iloilo na kumpkop sa akin sa oras ng aking mahigpit na pangangailangan. Kaya nga’t hanggang ngayon binabalik-balikan ko pa rin ang lungsod ng Iloilo, bilang pasasalamat sa lahat.

Madamo gid nga salamat sa inyo tanan…


Subscribe to my Feed! Get Byahilo Delivered to your Mailbox!
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

» Filed Under Uncategorized

Related Posts


Felix Felicis v2
Showbiz Circus
ang bagong lyrics
3 Days before Christmas…
Bad Trip
Theme Songs
Iloilo Aduana Customs House: A grand testimony to Iloilo’s glorious past
Iloilo painted the town red

Comments

Leave a Reply




To minimize spam comments, please type the text that appears below (Case Sensitive)

palawan